Wednesday 23 September 2015

Paano gumawa ng GULAMAN

Una magpakulo ka ng 6 na basong tubig, oo anim kasing dami ng babae mo! Tapos siguraduhin mong kumukulo talaga, katulad ng dugo ko na sobrang kumukulo sa sobrang galit sayo. Kung kumukulo na, ilagay mo na yung gulaman powder, isang sachet lang hah, baka kasi damihan mo kagaya ng mga babae mo. Pagkatapos mong mailagay paghaluin mo na, halu-haluin mo, huwag mong titigilan gamitan mo ng mga pick up lines mong kasing sweet ng asukal hanggang sa mahulog na ng tuluyan sayo yung sobrang hulog na hulog na, diyan ka naman magaling di ba yung pagiging pafall, yung paikot ikotin mo kaming mga babae mo sa mga kasinungalingan mong baluktot! Kapag kumapal na kasing kapal na ng mukah mo isalin mo na sa ibang lalagyan tapos ay iwan mo na, kagaya ng pagiwan mo sa akin, magaling ka rin diba diyan, kapag sawa ka na iiwanan mo na. After nun kapag lumamig at buo na ang gulaman balikan mo na, Oo balikan mo na ulit, kagaya nung ginawa mo, nung okay na ako nung naka move on na ako nung buo na ako ulit. Aba bigla bigla ka na lang susulpot at babalikan ako ulit at sasabihin mong mahal mo parin pala ako! Diba ang saya! Ang galing galing mo! Sobra! Matapos mo akong iwanan babalik ka??? Edi wow! At dahil tanga ako at uto uto, tinanggap kita uli, kasi akala ko nagbago ka na kasi akala ko mahal mo talaga ako. Matapos nun hiwa hiwain mo na into cubes kagaya nung paghiwa mo sa puso ko matapos kitang tanggapin ulit! Ang tanga ko diba??? Pagkatapos nun lagyan mo na ng gatas, kasing tamis na naman ng mga kasinungalingan mo, para lokohin at paniwalain ako sa mga bola mong paulit ulit. Haluin mo ng mabuti hah para naman mauto mo na naman ako. Pagkatapos ilagay mo na sa freezer, iwan mo na dun hanggang sa gusto mo para lumamig kagaya ng nararamdaman ko sayo na ang lamig lamig na, manhid na ako sa lahat ng kalokohan mo. Tapos kapag okay na balikan mo na ulit! Ganyan ka naman diba! Ikaw na Ikaw na magaling ubusin mo na lahat lahat total wala na namang natira sa akin kasi kinuha mo na, inubos mo na. Patay gutom!

It's a Love thing

Di lahat ng iniiwan pwede pang balikan.

Love is just like food, kapag iniwan mo na, pinabayaan mo na huwag kang magexpect na pwede mo pang balikan baka kasi panis na o mas worst nakuha na ng iba.



Tuesday 11 August 2015

Why do people complicate love?
Di pa pwedeng mahal ka na lang ng taong mahal mo
O di kayay
Mahal mo na lang ang taong nagmamahal sayo.

It's a Love thing

"Baka sa kakahintay mo sa right time na yan di mo namamalayang huli na pala ang lahat." 

Hay! Buhay nga naman!

Honestly, I don't really know why are we afraid to tell someone what we really feel. Mahirap bang magsabi ng 

"Oo, mahal kita?" "Yes, I do like you?"

Maybe yes, maybe no but most of us doesn't have that guts to express our feelings in words and actions maybe because of FEAR: the fear of being rejected, the fear of being hurt and the fear of knowing the truth... Well in fact mas pinipili nating itago na lang what we feel because we have a lot of "WHAT IF's" Yung tipong we're questioning ourselves of what might happen if we will confess our feelings to someone. 

"Baka kasi di niya ako gusto, magmumuka lang akong tanga at desperada." 

Diba napaka nega??? 

Paano kung gusto ka niya rin..
So maghihintayan na lang kayong dalawa? hanggang sa the clock will reach twelve o'clock, then the magic will already disappear, leaving you full of regrets??

Haha. I know it's hard, sino bang may sabing madali?? 


I am not only saying this for the people out there but also for myself.. I don't really know what's my point of writing this for the fact that I am one of those tongue tied people when it comes to love. Maybe this will be an encouragement for me and for others to take risks when it comes to LOVE. Malay natin, that one step coming from you will create a joyous journey to forever together with someone whom we truly love.